GANTI
Monday, August 28th, 2006Umibig!
Nagmahal!
Ipinusta buong pagkatao…
Subalit, iniwan!
Puso’y sinugatan!
Pagkatao’y dinungisan…
Ginamit!
Pinaasa!
Pinagmukhang tanga…
Nilinlang!
Pinaghintay sa pangakong balat-kayo pala…
Nasaktan!
Nabigo!
Muling bumangon…
Nagising!
Namulat sa mapaglarong mundo!
Natutong makipaglaro!
Manggamit!
Manloko…
Dahil sa sakit na naranasan
Bumangon upang maghiganti…
Ngunit hanggang saan?
Hanggang kailan?
Hanggang kailn ka magpapatalo sa anino ng nakaraan?
’di mo ba naisip na ganti mo maaaring ikaw ang balikan?
Akala mo nakaganti ka na
Nakasakit!
Nakaisa!
Ngunit sa huli, magigising ka
Ikaw ang nasaktan
Ganti mo, ikaw rin ang binalikan…